| Site FAQ |
|
|
|
| Written by Sir Jubert A. Reyes | |||||||
| Thursday, 11 September 2008 13:49 | |||||||
|
Browsing the portal Madali lang point-click-read tulad rin ng ibang website na naputahan mo na. Para sa mas mainam na pagba-browse ng ating website gamitin ang 1024x768 na screen resolution ng inyong monitor. Maari mo ring gamitin ang aming Sitemap para makita ang kabuoan ng portal.
How to become a member? Click mo lang yung Register, ibigay ang mga kailangang impormasyon pagkatapos check mo email mo, click the activation link, ok na member ka na. I-check mo ang spam/bulk folder ng iyong email account kung wala sa inbox mo ang aming email. Ang account mo ay magagamit sa portal at forum, kaya di mo na kaylangan magregister sa forum kung magkapagregister ka na sa portal or vice versa.
How to login? Sa ating portal login form i-type ang iyong username and password. At kung nakalimutan mo password mo just click lost password para mabigyan ka uli ng bagong password, pero sa susunod wag mo ng lilimutan ha, mahalaga ‘yon. Ang drop down menu box sa registration na may default value na Forever ay session length na gusto mong login ka sa portal. Kahit sa ibang website ka makarating pag hindi pa nae-expire ang login session mo, di mo na kaylangan uling mag-login, kung sariling computer ang gamit mo mas mainam na piliin mo yun Forever bago ka mag login.
User Menu Kung naka-login kana sa ating portal makikita mo ang mga iba pang menu na di-visible sa mga unregistered users tulad ng user menu dito puede mong baguhin ang iyong username, email at palitan ang iyong password. Puede ka rin mag-submit ng article para sa magazine, news tungkol sa ating bayan, at mga weblink pero bago i-publish ang mga inai-submit mo, irereview muna ito ng mga administrators ng ating portal.
Directory Tulad ng user menu, ang ating directory ang para lamang sa mga registered members lamang ng portal. Kaya hindi mo ito makikita sa main menu kung di ka pa login. Para mag add ng inpormasyon sa directory, click mo lang add a listing, pumuli ng tamang category para sa isasamang entry at siguraduhin na nabasa mo ang terms and condition ng SARIAYA.net. Bago i-publish ang mga isasubmit mo irereview muna ito ng mga administrators ng ating portal. Para mapadali ang pagsama ng entry sa directory, kontakin ang ating site admin para i-comfirm sa kanya ang isinabmit mong impormasyon.
Magazine Ito ay para sa lahat member man o hindi, user submitted ang mga article dito. Upang magbasa, pumili ng category sa Magazine at pagkatapos i-click ang gusto mong basahing article . Katapat ng pamagat ng article ay mga icons na puede mong gamitin para i-save (bilang PDF file), i-print (printer friendly version) o i-email (ipadala sa mga friends mo thru email). Kung registered member ka, maari ka ring mag-comment sa inyong nabasa at nagustuhan mo ang nabasa mong article maari mo itong bigyan ng rating sa pamamagitan ng pagpili sa radio button malapit sa poor o best depende sa opinion mo. Nahahati ito ang ating magazine sa ibat-ibang category, maari kang magsubmit ng sariling mong article sa amin. Bago i-publish ang mga isasubmit mo irereview muna ito ng mga administrators ng ating portal.
Links Ito ay ibat-ibang website na mahahati rin sa mga category, muli maari kang mag-submit ng sarili mong website o ibang website na may kaugnayan sa mga category. Bago i-publish ang mga isasubmit mo irereview muna ito ng mga administrators ng ating portal.
Calendar Ang bago nating web calendar, maari mong isama ang mga events na maykaugnayan sa ating pamayanan o sa grupo na iyong kinabibilangan. Bago i-publish ang mga isasubmit mo irereview muna ito ng mga administrators ng ating portal. Ang mga registered members lamang ang may karapatang mag-submit sa ating calendar.
Comments Kapag registered member ka ng portal maari mong magamit ang Comments sa ibaba ng article na iyong nabasa. Mainam itong gamitin para ipahayag ang inyong reaksyon sa inyong nabasa.
Search this Portal Sa ating Main menu ay mayroon search box na puede mong gamitin para maghanap ng content sa ating portal. I-type lang ang keyword ng iyong hinahanap. Ito ay para sa content ng kabuuoang portal maliban sa furom at directory na mayroong sariling search module na maari mong gamitin.
How can I help this site? Aba’y magandang tanong ‘yan. Maari kang makatulong sa maraming paraan. Bagamat ang ating portal ay patuloy at patuloy na tinitingnan ng mga administrator hindi pa rin ito 100% na walang mali, kung sa inyong pagbabasa ay may mapansin kang maling inpormasyon ay maari mong agad ipaalam ito sa amin. Kung ikaw naman ay may kakayanang makapagbigay ng tulong pinansyal para sa pagpapatakbo ng ating portal isa rin itong malaking tulong, kontakin lang ang ating administrator. At kung ikaw naman ay isang photographer o kaya ay may hilig magsulat ng mga artikulo tungkol sa ibat-ibang bagay na may kaugnayan sa mga category sa ating magazine maari mo itong isubmit sa amin. Maging kabahagi ng pag-unlad ng Sariaya, makiisa sa www.sariaya.net. Kung meron ka pang ibang katanungan maari mo itong i-post sa ating tagboard sa homepage. Para sa mga importanteng paglilinaw maari mong i-text o tawagan si Mr. Jubert Reyes sa 0910 354 0487 o sa landline number na ito 042 525 8325 Nasa administrator ng ating portal ang huling pasya kung isasama ang mga impormasyon nais mong ibahagi. Siya rin ang magkapangyarihang i-ban o alisin ang mga member ng portal na hindi sunusonod sa aming terms and conditions.
Sariaya SuperSite SARIAYA.net
3.26 Copyright (C) 2008 Compojoom.com / Copyright (C) 2007 Alain Georgette / Copyright (C) 2006 Frantisek Hliva. All rights reserved." |
|||||||
| Last Updated ( Thursday, 11 September 2008 14:00 ) |


