|
Sariaya’s Taekwondo Arena: The Superfoot Gym |
|
|
|
|
Wednesday, 22 October 2008 17:03 |
|
SUPERFOOT GYM launched its first kick in Sariaya on November 18, 2006 at the basement of the commercial building owned by Larry Mayuga along General Luna Street, beneath the Carlos Super Drug Sariaya Branch. Starting with just four students that included Ariel Ranas, Kim Tan and Richard Simoun Abanador, it expanded in three months with ten more students, among them our SMART/Petron National Champion Chester Jeith J. Abanador.
In both the summer of 2007 and 2008, the club conducted a one-month “Summer MILO Sports Clinic” to more than thirty and fifty Sariayahins (mostly kids) respectively. Eventually, most of these young people became regular students of this widely taught and very popular Korean Martial art.
For almost two years now, around a hundred Sariayahins have experienced and learned the basics of the art of Taekwondo. All of them were taught of its tenets namely : Self Confidence, Modesty, Indomitable Spirit, Perseverance and Etiquette, that round-up the wholeness of this sport. As such, they have participated in the following Taekwondo Competitions:
Batangas City Age Group Taekwondo Championship SM Activity Center, Batangas City August 12, 2007
2007 Sariaya Invitational taekwondo Championship Sariaya Sports Complex, Sariaya, Quezon September 9, 2007
2007 Lucban Invitational Taekwondo Championship Lucban Gym, Lucban, Quezon October 21, 2007
2007 Candelaria Invitational Taekwondo Championship Candelaria Sports Complex, Candelaria, Quezon Quezon Invitational Taekwondo Championship
Tiaong Sports Complex, Tiaong, Quezon December 8, 2007
2008 Sariaya Invitational Taekwondo Championship Sariaya Sports Complex, Sariaya, Quezon May 11, 2008
1st City of Tayabas Taekwondo Championship Tayabas Sports Complex, Tayabas City May 16, 2008
2008 Lucban Invitational Taekwondo Championship Lucban Central Elementary School Gym, Lucban, Quezon September 20, 2008
2008 Candelaria Invitational Taekwondo Championship Candelaria Sports Complex, Candelaria, Quezon September 28, 2008
SMART/Petron National Age Group Taekwondo Championship Ninoy Aquino Stadium, Manila October 11-12, 2008
At present, Superfoot Gym can be found at the 3rd Floor of the New marling Trading localed at the corner of Pablo and Valderas Streets wherein regular practice sessions were held from Monday to Friday at 5 pm. On Saturdays and Sundays, whole day (morning and afternoon) sessions are being held.
THE COACH
Superfoot Gym Taekwondo Coach Sir Jeffrey V. Baranda is a thirty two year old resident of Candelaria, Quezon. A Bachelor of Science in Business Administration Major in Management graduate of Manuel S. Enverga University Foundation– Candelaria (Class 1999-2000), this Taekwondo enthusiast is a disciple-student of Master Arnold Baradi, a three time World Taekwondo Championship Medalist at the Las Pinas Taekwondo Gym. A 2nd Dan Black Belter, a National Instructor and a National Referee, he is a member of the Elite Group (RTBB-IV), sanctioned by the Philippine Taekwondo Association.
A very competitive and acclaimed student athlete in his own right, he is a four-time Gold Medalist of the Cluster Meet PRISAA from 1996 to 2000 and a four-time Silver Medalist at the Regional PRISAA. For that, he was given an Athlete of the Year Special Award at the MSEUF for school year 1999-2000. He started teaching Taekwondo in 1996 at the MSEUF-Candelaria in 1996 and established the Superfoot Gym in Sariaya in November of 2006. Earlier, he had already established Taekwondo Gyms in other Quezon towns like Lopez, Calauag and Macalelon in 2004 and in the following year 2005 opened a Taekwondo Club in San Rafael, Bulacan.
|
|
|
Saturday, 04 October 2008 00:00 |
|
I remember those good old days in the late 1960s when children my age used to watch “Lollipop Party”, a kiddy television show on ABC Channel 5, hosted by the then still very young and fresh-faced Maan Hontiveros every Saturday at about five in the afternoon. The happy and lively atmosphere of that week-end children’s party on furniture-sized black and white TV (Westinghouse, Hitachi, and the like) that was the vogue of those times, can only be matched by the carefree spirit of childhood in its very apt theme music, “The Syncopated Clock” by Leroy Anderson, the likes of which you definitely never hear nowadays.
|
|
Read more...
|
|
Tuesday, 04 March 2008 03:36 |
Over the last three years, I have received several emails from people who were upset because they had prayed and asked God for newer cars, bigger houses and other material things and He didn’t give them what they had asked Him for. How dare you and I get upset with God when He doesn’t do what we want Him to do. He knows better than we do what is good for us and what is in His perfect will for our lives. We would do well to remember our Scripture verse “for dust thou art, and unto dust shalt thou return”.
Sometimes we act like God is a puppet and all we have to do is pull His strings to make Him perform for us. God is not a name it and claim it God. He is a holy God and we need to treat Him with the respect that He deserves. Thank God for His mercy and for His forgiveness or we would be in serious trouble. He loves us so much that He gave His Son to die for us. If He would do that for us, we should never doubt that He loves us even when He doesn’t give us what we think that we need.
I think that all of us would like to live in a beautiful big house and drive a fancy car but we don’t need these things. God allows us to have these things because He wants us to be happy, not because we need them. If we have food to eat, clothes to wear and a house to live in, then we have all the material things that we really need.
|
|
Thursday, 18 October 2007 06:14 |
"Ang tiyan ko’y laging gutom, sa pansit na Canton, Lalo na’t luto ni Singki, intsik ng Sariaya"
Hindi ito isang tula ha? Ito’y isang mumunting kanta na hindi ko alam kung sino ang umimbento, ni bakit, kailan at paano kinatha. Ang alam ko laang, ito ay kinakanta-kanta naming mga bata noong nineteen sixty – han. Paano ka’mo ito kantahin? Iyaaa, madali laang, bayai at ituturo ko rin sa iyo, pero bayaan mo muna akong mag - nostalgia, ha?
Ganari, ang totoo niyan ay talagang napakahilig sa pansit nang mga Sariayahin, kahit mag araw-araw na humabhab at sumabsab! Ang sabi nga noon ni Ginoong Maximo Ocampo ng Quezon Avenue ibaba o si Tito Jap, sa aking Inanang Bia noong sila’y nabubuhay pa, ang pansit daw ang pinaka kumpletong pagkain! Bakit ika? Aba’y may karne, hipon, atay, gulay at meke na para na rin daw kanin, hindi nga baga naman? Pamula sa mga batang iskul (pablik sa mga taga Madre) na ang recess ay pansit habhab at barbikyung saging o kamote kaya ni Tia Tusang (Fortusa Alcance) na nasa kuwadradong dahon ng saging ang lalagyan, hanggang sa mga suki ng pansiteria ni Kiama sa ilaya, sa tabi ng bahay nina Aling Prunieng Villadiego ay tunay na tunay ka… maski itanong mo pa sa kanyang maaaligansang balo na si Mommy Juling!
Tuwing hapon pagkatapos ng siesta ay nauunanap ko pa sa kalsada ang boses ni Aling Petra na tawag na tawag ng “ Pansiiiiiit!“, habang dala-dala ang isang kalderong bihon at sunong ang magkataklob na bilaong puno ng sinukmani, pati pan de aleman at insemada na yari sa panaderia ng Iday (Villamater’s Bakery). Aba, tamo nga naman! Akalain mong habang tina-type ko ito sa aming nagwawalang makenilya ay may kumakanta ng “Raindrops Keep Falling On My Head” sa TV. Aba’y special pala ni Burt Bacharach ang palabas… a-ah ay matanda na nga pala talaga si Burt! Pero nakikisama ang sounds sa aking ginagawa ngay-ong pagbabalik-tan-aw, at ako’y parang talagang bumabalik sa kapanahunang aking iniisip noong ako ay bata pa! E-eh, ako’y ginaganahan! Pero mabalik tayo ulit kay Aling Petra… pagkatapos niyang maibaba ang kanyang paninda sa tabi ng kalye ay bubuksan niya ang kaldero ng mainit na pansit at mag-aalpasan naman talaga ang iyong bituka sa mabangong amoy ng sinunog na bawang doon na iyong masisinghot! Wala namang gaanong lahok ang bihon niyang iginisa sa “ kitsyap “ o inarnibal na asukal na tinunaw sa sabaw ng alamang at hinulugan ng dahon ng dayap, kundi ilang gayat na “ kayuti “ (sayote), tostadong bintak ng baboy at hipong yapyap, sabay pinapulahan ng achuete, pero bakit napakasarap noon? Lalo pa at binudburan mo ng kanyang pinaghalong toyo at kalamansi na nakalaman sa dalawang matilos na plastic na lalagyan, isang kulay berde at isang kulay pula…habang mapaso-paso ang iyong palad sa init na tumatag-os sa dahon ng saging na lalagyan. Tapos ay sabay kagat sa sinukmani o tinapay na napili…..iyaaaa ay talagang sulit na sulit na ang iyong diyes sentimos noon! Nakakaluog nga laang kaya uminom ka na ng tubig sa gripo…busog!
Ngay-on, pag naubusan ka ng pansit ni Aling Petra na talaga namang inaantabayanan sa kala-kalapit, ay makakalakad ka tuloy papuntang kalye Bonifacio ilaya kung saan may nagtitinda naman ng pansit Lukban sa tapat ng sinehan. Masarap din ang kanilang napakainit na pansit na may kayuti, yapyap at namumula sa toyong pinanggisa, at pinaiibabawan ng hilaw na sibuyas Tapos ay bubudburan mo ang habhab ng toyong Marca Pinya at sukang Rose na minsa’y may lumulutang pang sili,… e-eh suwabe! Ang maganda pa doon ay lalo pang sasarap ang iyong paghabhab dahil mauulinigan mo ang tunog ng sineng ipinapalabas sa tapat…halimbawa’y nagbabakbakan sina Fernando Poe Jr. at Roco Montalban o Max Alvarado kaya, o di kaya nama’y nagsasabunutan na pala sina Susan Roces at Zeny Zabala. Minsan nama’y matitiyempuhan mong panay ang lambingan nina Rosemarie Sonora at Pepito Rodriguez, Gina Pareno at Bert Leroy Jr., o di kaya’y sina Blanca Gomez at Edgar Salcedo…..habang inaapi na naman ang dakilang inang si Rosa Mia, at biglang hahalakhak si Ben David, sabay kulog at kidlat! O hindi baga? Minsan naman, medyo sexy ang music…yun pala’y naghahalikan na sina Tony Ferrer at ang mestisang si Alicia Basili, na bigla namang magiging action ang tunog dahil nangangarate na si Agent X 44… Yaaaaa! Butas ang leeg ng kalaban! Ganyan kasarap ang magpansit sa may sinehan noon…
Pagdating naman sa Rizal Ibaba, walang bukambibig ang mga mukhang pansit kundi ang pansit ni Mamang Singki sa ilayanan ng lumang bahay ng mga Enriquez. Kapag ikaw ay nautusang pabilihin doon ay malilibang ka sa bilis ng kamay ng intsik sa paggagayat ng mga panglahok nito at mapapansin mo rin ang tangkas ng kinikilong meke sa isang tabi na mukhang sarili nilang gawa. Pagkatapos ay hinding-hindi mo makakalimutan ang susunod na mangyayari… ang paglilinis niya sa kawang pinaggisahan ng isang napakaliit na walis na maaaring kasama sa sikreto at misteryo ng kanyang napakasarap na pagluluto! Sa malaking dubdob nang apoy sa tungko ay uumpisahan na niya ang pagluluto at talaga namang banguhang-banguhan ang kanyang iginigisa na biglang sumasagitsit pa pag sinandukan na nang pangsabaw na pinagpakuluan ng kung anu-anong pangsahog. Siyempre ay tatawing-tawing ang isang maliit na kalderong saingan ng kanin na iaabot mo sa nagluluto sabay sabing “pahingi daw po ng caldo!” Hindi ka halos magkandadala habang hawak-hawak naman sa isang kamay ang napakainit na pansit, balot sa nilaib na dahon ng saging na may diyaryo sa labas at tumutulo-tulo pa pag min san… aray! Pero hindi na bale dahil habang daan ay naglalaway ka na sa naiisip mong napakasarap na miryenda o hapunan kaya, lalo na ang kaning lulubugan mo ng napakalapot at malinamnam na kaldo… sa halagang dalawang piso laang kundi ako nagkakamali! Habang ika’y nguyang-nguya ay bonus na rin ang panonood ng “Oras Ng Ligaya” sa black and white na TV na halos ay puwede ng gamiting isang lamesa sa laki…o di kaya’y sa pakikinig ng “Mga Kuwento Ni Lola Basyang, Aninong Bakal , Gabi ng Lagim at Tang Tarang Tang sa radyo! Those were the days talaga ika nga…
Sa ngay-on, ang salitang pansit ay nakakabit na sa pangalan ni Aling Nena de los Reyes at nagagamit pa niya sa kampanyahang pang barangay. Nagsulputan na rin ang iba’t-ibang mga restawran at catering na may kanya-kanyang espesyalidad at sikreto sa larangan ng masarap na pagpapansit. Pero sa totoo laang naman, ay hinahanap-hanap pa rin ng mga nakakaalam at nakakaalala sa kakaibang timplada, ang lasa ng sinaunang pansit ng Sariaya! A-ah ay nakakagutom talaga, ano nga?
|
|
Ang Pagpipiknik Sa Talaan |
|
|
|
|
Wednesday, 03 October 2007 06:46 |
Umaga ng Linggo ng Pagkabuhay… Madilim-dilim pa’y lumalakad na kami papunta sa lumang terminal ng BLTB, sa silanganan ng palengke… si Tatay, si Nanay, ang kapatid kong si Tina na akay ng mga pinsan kong sina Ate Babygirl at Ate Girlie, dalawang katulong at siyempre, ako rin! Bitbit ang kaunti naming dala-dalahan ay isa-isa kaming umakyat sa bus na biyaheng Talaan… dahil walang iisang pintuan at walang daanan sa gitna kagaya ngay-on. Walang dingding ang kanang bahagi ng sasakyan kaya’t kita mula sa labas ang mga tao, dahil ang pag-itan ng bawa’t mahabang bangko ang siya na ring akyatan at daanan ng mga pasahero, tuloy-tuloy papasok na pasiksik sa kaliwang bahaging nadidingdingan kung saan naroon ang bintana! Ibig sabihin, kung bababa ang nasa pinakaloob ng sasakyan ay kailangang magbabaan din ang mga pasaherong nakaharang sa kanya , papunta sa pagbababaan niyang kanang bahagi, na kung saan din siya umakyat papasok sa pagsakay.”A-ah ay talagang napaka-inconvenient ano?” Pero wala ka naming magagawa dahil ito ay noong taong 1967! Gan-on talaga ang buhay, at katatapos ko pa laang ‘magsalimpusa’ o ‘saling cat’ ng Grade One kay Miss Cording Maleon, na hindi ko malimut-limutan dahil ako’y napaihi sa kanyang klase!
At sa wakas, ang hindi pa napupunong bus ay lumunsad na sa Kalye Mayor at pumaibaba na sa Kalye Mabini sa tapat ng munisipyo ……. A-ah ay noon pa laang nagising ang Sariaya. Dinaanan namin ang palayan sa kinakaliwa, binagtas ang mga niyugan at nilampasan ang Seminaryo… Nadaanan ang ilang malalaking punong mangga at kasunod na ang mas malaking palayan sa paibaba. Kinig na kinig ko pa ang pagkakalansingan ng mga lata ng gatas na pinagtali-tali at ipinagsasabit sa mga malalaking patpat… panakot ang mga yun sa mga ibong Maya na nag-aabang sa mga palay pag anihan na! Siyempre, mas mahangin ay mas maganda para mas malakas ang ingay pambugaw sa kanila! “Kling! Kling! Kling!”
Dahil sa nagliliwanag na ay banaag na ang may kababawang tubig na dumadaloy sa ilog na tagpuan ng ‘Mamala’ at ‘Anwang’ sa kinakanan, habang nagsalasalabat ang mga baging na hitik sa mga rosas na bulaklak ng “Cadena de Amor”, na nagbigay ng kulay sa madilim na kaberdehan ng paligid. Itinuro pa sa akin ni Tatay ang lumang simbahan daw ng ‘Tumbaga’ na katabing-katabi ng kalsada, pero tumpok na lang yun ng mga guhong bato at tisa na ginagapangan na ng sukal. Maya-maya pa’y taltalan na ang bus dahil wala ng ispalto ang daan at mabato na, pero buti na laang at maaga pa nga, dahil wala pang masyadong alikabok na tiyak ay nagpauban agad sa aking anim na taong tirik na buhok!
Tumigil kami sa isang bayan-bayanan na kalapit ng riles ng tren, Baryo Bukal daw yun sabi naman ni Nanay, at utay-utay nang nagbabaan ang ilang pasahero na yanong iingay! Magkakapamilya ata! Yung isang ale ay nahigab pa habang ang kasama naman niyang mama ay nguyang-nguya ng Pan de Sal na binili pa sa bayan! Lumampas kami sa riles at napatingin pa ako sa isang mukhang dati’y magara at malaking bahay na gumigiri na sa kalumaan. May dalawa pa itong mga hagdan na magkahjiwalay, at nagtatagpong pakurba sa pataas na entrada… ang bahay bahay daw ni Kapitang Lucio Rodriguez, dating namuno sa Sariaya noong panahon ng mga Kastila. Maya maya pa’y biglang may pumipitadang parating, isang tren na galing sa direksiyon daw cng pa Maynila sa kanluranan pero di ko naman makita . Biglang may nagkagulong mga pasahero sa likod, yun pala’y nagsusuka ang isang bata, buti na lang at katabi siya ng bintana!
Tumigil na naman ang bus, sa isang sangang daan at pa Baryo Pantok daw yun sabi nila. Bumababa na ang ilang pasahero ng biglang may kawayan sina Ate, isang dalagang may mahabang buhok na may balabal na tu-alya, si Avelina daw ang pangalan, isang kamag-anakin! Maya-maya pa’y pahibay-hibay na ang takbo ng bus, wala na ang taltalan at panay buhanginan na ang dinadaanan, habang sa mga punong niyog sa magkabilang tabi ng kalsada ay kapansin-pansin ang mga gumagapang na baging. Kitang-kita ang unti-unting pagliliwanag sa malayo na palapit ng palapit at kami’y biglang bumungad na sa dagat! Ramdam ko ang kilabot ng katuwaan noon… excited na kami! Karamihan sa mga pasahero ay nakababa na at ilan na lang ang tao sa loob ng bus, ng biglang pumuhit itong pasilangan. Sandali pa ay bumababa na kami sa tabi ng isang kubo na may poso ng tubig sa karatig, at namukhaan ko ang mga taong lumapit sa amin, limot ko na nga laang ang kanilang mga pangalan.
Inilatag na agad ang blanket sa buhanginan at habang kaming mga bata ay nagtakbuhan na sa tubig ay inilabas ni Nanay at ng mga katulong ang aming mga baon… Tatlong supot ng Pan de Sal, mga apat na lata ng Reno Liver Spread at tatlong bote ng Pepsi Family Size! “Masarap na yun noon, aba!” Habang nasa tubig kami na ubod ng alat at masakit sa mata ay binuhat kaming magkapatid ni Tatay sa magkabilang kamay at dinala palapit sa isang bangka na may pangalang “Ernesto” kung saan kami ay nilitratuhan! Tukayo ni Tatay ang bangka at kunyari siguro ay siya ang may-ari noon! Umahon kami ng mga bandang alas diyes at umuwi nang pa Sariaya sakay ng isang pampasaherohang jeep! Bitin pa nga sa ligo pero ang sabi ni Nanay noon ay masama raw ang masyadong mainitan sa dagat, masusunog ang balat… at dun ko lang unang narinig ang salitang ‘sunburn’! Punung-puno kami ng galbok pagdating sa bayan, at hanggang sa pagtulog ay parang nauunanap ko pa ang pag alon-alon ng tubig.
Bumalik kami sa Talaan nang mga bandang May kung hindi ako nagkakamali. Masalabay na raw sabi nila pero okey lang, may baon yata kaming maraming kalamansi! Mga maestra ng Sariaya East Elementary School o ‘Iskul’ ang aming nakasama gaya nina Miss Asun Jumawan na kapatid ni Nanay, Misses Carmen at Evelyn Quejano, Miss Duyi Mendoza, Miss Laurence Luna na kilala sa katawagang si ”Always” ( gawa ng paborito niyang imi-kin ang salitang yun ) at palaging naka shades noon pa man, at ang mag-asawang Peace Corps Volunteer na sina Mr. Bruce at Mrs. Cathy Benard ng Boston, Massachuesettes, USA! Bukod sa aming magkapatid, kasama rin namin ang aming pinsang si Marion at kaklase kong si Leonardo ‘Naddie’ Quejano, parehong mga malilikot! Natatandaan ko pa ang sinabi ni Mr. Benard noon… “So, this is Taalan, nice place huh?”, kaya nagtawanan ang mga teachers at sinabing ‘It’s Talaan, not Taalan!’. Napatawa rin yata ako noon, awan ko baga? Pero ang sigurado ko ay narinig ko ang kantang ‘Shy Girl’ ng ‘The Cascades’! May radio silang dala ano? At buti na laang at may Kodak camera na si Tatay noon, wala pa nga lang built-in flash ang mga camera dahil ang mga ito’y disposable at binibili pa noon, kuwadrado ito na isinusuksok sa ibabaw ng Kodak na camera! Pero di bale na, at least may mga souvenir pictures kami! Gusto ninyong panoorin?
|
|
|