Home Magazine iLove, Sariaya Isang umagang kay ganda sa buhay ni Webmastah Tuesday, 06 January 2009
Isang umagang kay ganda sa buhay ni Webmastah PDF Print E-mail
Wednesday, 01 August 2007 10:26
Jubert Reyes Robert Jaworski, Big J, Basket Master, Dugong – Polish! Jubert Jubski, Slim J, Web Master, Hanep sa Polish, o di baga? Pssst! Introduction daw ito, wala lang...

July 10, 2007, Miyerkules ng umaga... Lumarga na ang ating bida upang ipagpatuloy ang sinumpaang misyon ng ating website... “Ipakita sa buong mundo ang kagandahan ng Sariaya!” Bitbit ang bago niyang laruan, ang kanyang brand new Nikon Digital SLR Camera lang naman, siya ay umakyat sa simboryo ng simbahan... Dumapa sa may bubungan ng SJA at naglambitin pa kasama ng mga layang-layang at mga paniking nag-i-ik-ikan, saka nagkuha ng nagkuha! A-ah ay talagang wala siyang pinatawad... ang bird’s eye view ng patio, mga taong namamanata, ang sinaunang Baptistry, ang nakakahalinang vista ng Bundok Banahaw, ang nahating puno ng Akasya, ang Munisipyo at bahay ng Talyo mula sa tore, ang Museo Ng Debosyon at Buhay, ang Devotional Park, ang napakagagarang kalooban ng kumbento na kung tawagin ay Residential Museum, ang Prayer Room at ang mga sinaunang kampana! Kaya panay… Klik! Klik! Klik!

Hindi pa nasiyahan, pumunta siya sa ilayang Quezon Avenue at Kalye Rizal upang kuhanan ang ilang ipinagmamalaking Ancestral Houses ng ating bayan, kasama ang Alvarez House na dating kinalalagyan ng Sariaya Museum. Pero siyempre naman, ang ating bida ay tao laang, kaya mayamaya pa’y umorder na siya ng Tamis-Anghang Chame, Hamburger at Sprite sa Casa Plaza... “nguya-nguya, ngasab-ngasab, lun-ok sabay glug!”... Solved!

Pinuntahan niya ang Villamater’s Bakerty sa Ibabang Rizal, upang litratuhan ang mga ipinagmamapuri at masasarap na tinapay Sariaya... Broas (Buruhas), Otap (Buruhas Tayabas), Apaz (Binuruhas) at Pianono, sa kagandahang – loob ni Mrs. Shirley Villamater. Pagkatapos ay kinuhanan naman niya ang kilalang Pastillas, iba’t-ibang klaseng Yema at Matam-is ng Sariaya, sa tulong ni Barangay 6 Kagawad JR de Gracia. Kumpleto na sana ang photo shoot pero sinuyod na niya ang ngayo’y tinaguriang Kalye Tamales ng Sariaya ay wala siyang makunan, naubusan ng Tamales! Iya, ay di ang lagay eh “Ala, sa ibang araw na laang”, ano nga?

Sa madaling salita ay yanong ligaya ni Jubski Webmaster sa mga pangyayari, dahil magagawa na niya ang kanyang nais na dagdagan pa ang nilalaman ng sariaya.net para lalong mapalawak ang hayon at dating nito sa madlang Sariayahin ng buong mundo.At tiyak, lalong dadagsain ng mga pagbati ng mga kababayang ” miss na miss “ na ang Sariaya, ang Guestbook ng dakilang Website!

Kaya ayun at dalas-dalas na siyang umuwi pa Marichi sakay ng kanyang owner na jeep!... Hindi kaya dahil sa tanghaling tapat na at manonood pa siya ng Wowowie o Eat Bulaga kaya? Whatever, ” itak-tak “ natin sa bato na makakatulong ng malaki ang sariaya.net upang ma-inspire ang ating mga kababayan para sa tunay na pag Arya ng Sariaya ! Kaya mga Bagets at Forgets ng ating bayan, gayahin ninyo si Webmaster Jubert! Mahalin, igalang at ipagmalaki natin ang lahat ng mga bagay tungkol sa Sariaya!

P.S. Abangan ninyo ang photo gallery na ating portal and see Jubert in action... ang ebidensiya kung papaano pinaghihirapan ng ating dedicated na Webmaster-Photographer ang SARIAYA.net! Bukod pa d’yan ang puyat nights online! Ayos ba? Comments naman kayo d’yan mga ineng, mga utoy, ate at kuya, tito at tita, inana at amama, mga nuno…may nuna ba?

O ano? Ang ganda talaga ng ating bayan di baga? Yes! Let us love Sariaya unconditionally, and support SARIAYA.net totally!
Comments
Search RSS
A nice way to feel the soul of sariaya
Vince Eugenio (121.96.156.xxx) 2008-10-21 02:14:45

hello, I'm vince eugenio, i am a up post grad student and we visited sariaya a
week ago. obviously, i'm searching the net to buff up the expected post trip
reflection paper and i stumbled upon this site, and read some of your blog about
the town. Aside from seeing that Sariaya is pretty progressive when it comes to
knowledge management, I'll give you ten smileys for the effort to
capture the soul and beauty of your town through raw, free flowing words. No
amount of animated flash features can actually depict the town spirit better
than your unadulterated "kwentos" about life in sariaya. Keep up the
good work.
Only registered users can write comments!
Sariaya SuperSite SARIAYA.net

3.26 Copyright (C) 2008 Compojoom.com / Copyright (C) 2007 Alain Georgette / Copyright (C) 2006 Frantisek Hliva. All rights reserved."

 
Talatinigan

Barbikyung kamote: camote cue

Anlaw: banlaw

Burlando: taong malakas ang boses at dominante ang dating

Bikalo: bagay

Bustrag: sumabog halimbawa’y langgonisang lukban habang niluluto

Burok: tambok halimbawa’y ang pisngi

Bulok: bobo

Bustringgos: busisera, busisero

Alangan: hindi na buko pero hindi pa niyog

Awan: ewan

Buhalhal: malakas tumawa

Bitaw: bitiw

Batidor: metal na lalagyang pinagtutunawan ng tabliyang tsokolate sa mainit na tubig

But-o: buto

Bitadtad: kaladkad

 WiFi Zone
Sariaya Telephone Directory
 
Your ad here

Advertisement