| Agawan Festival '08 |
|
|
|
| Tuesday, 06 May 2008 17:45 | ||||||
|
Mahal kong mga Kababayan; Malugod po kayong inaanyayahan na maging bahagi ng pagdiriwang ng Agawan Festival (Kapistahan ni San Isidro Labrador) sa Mayo 14 at 15, 2008 bilang pasasalamat sa masaganang ani at sa iba pang mga biyayang ipinagkaloob ng Maykapal sa ating Bayan. Ating ipagdiwang ngayong taong ito ang Agawan Festival nang payak subalit puno ng kasayahan, pagkakaisa at pagbibigayan. Atin muling buhayin ang diwa ng bayanihan sa ating mga puso. At ating muling pag-alabin ang likas na pagmamahal sa ating pinagmulan, sa ating kasaysayan at sa ating pamanang-yaman. Isa pong karangalan sa inyong lingkod, kasama ang mga bumubuo ng multi-sectoral na Comite de Festejos at ng Sangguniang Bayan, na kayo ay mapaghandugan ng mga programa at Gawain na nag-uugay sa mga kwento ng ating buhay mula sa kabundukan, kapatagan, at karagatan. Arya! Sariaya! Boyet V. Masilang Punong Bayan Download Agawan Festival '08 Program Agawan Festival 2008 (Sa Diwa ng Bayanihan sa Kabudukan, Kapatagan at Karagatan) Mga Takdang Gawain Mayo 14 Gabi ng Kultura 6:30 n.g. Sariaya Sports Complex Mayo 15 Awit-Pasasalamat sa Maykapal Pagpupugay sa Watawat ng Pilipinas Mensahe ng Punong Bayan 6:30 n.u. Liwasang Bayan Parada ng Yamang Sariaya 7:00 n.u. Mga Piling Lansangan Pistahan at Salo-Salo 9:30 n.u. Liwasang Bayan Pinaka-Contest 10: 00 n.u. Liwasang Bayan Palaro ng Lahi 1:00 n.h. Liwsang Bayan Banal na Misa Prusisyon sa Karangalan ni San Isidro Labrador 3:00 n.h. Barn Dance 7:00 Sariaya Sports Complex Batayan sa Pagpili ng mga Pinahiyasang Bahay Pagkamalikhain 35% Paggamit ng mga Indigeneous Materials 30% Disenyo 20% Kaankupan sa Paksa 15% Mga Nakalaang Gantimpala Unang Gantimpala JVC Colored TV + Php20,000 Ikalawang Gantimpala Refrigerator + Php15,000 Ikatlong Gantimpala Washing Machine + Php10,000 5 Consolation Prizes DVD Player + Php3,000 *Ang paglilibot at pagpili ng lupon ng mga hurado ay sa ganap ay sa ganap na 10:00 n.u. Pinal na ang mga magiging desisyon ng lupon. *1:30 ng hapon ang pagbibigay ng mga gantimpala Sa karagdagan impormasyon, maari po kayong makipag-ugnayan kina; Arlene Palabrica: Tanggapan ng Punong Bayan Rowena Masilang: 09178878366 Susan Caballes: 09153132545 Tek Baligod: 09185751266 Jonny Manigbas: 042 525-8458 Dyun Abanador: 09178617411 Benjie Lozano: 09208044947 Eric Dedace: 09214739894
Only registered users can write comments!
Sariaya SuperSite SARIAYA.net
3.26 Copyright (C) 2008 Compojoom.com / Copyright (C) 2007 Alain Georgette / Copyright (C) 2006 Frantisek Hliva. All rights reserved." |





