Home News SARAYA.net nasa Muntingbayan na! Friday, 21 November 2008
SARAYA.net nasa Muntingbayan na! PDF Print E-mail
Monday, 29 September 2008 17:19

“I-i-i-h-h-h-h, siyanga?” Opo, mga minamahal naming Sariayahin! Ang inyong maganda, kinagigiliwan at kaisa-isang “tambayan online” ay magkakaroon na rin ng kanyang sariling tambayan at himpilan! Ito ay matatagpuan sa kalye S. Reynoso (dating Dalitiwan St.), sa ilayanan ng Greg Hospital! Isang dating pangarap la-ang ito noon pero sa biyaya ng Diyos, iya ay di utay-utay nang natutupad!


Sa ngay-on, ang munting opisinang ito ay inaayos at inihahanda pa ng ating webmaster Jubert Reyes at kasamahan niyang si Eric J. Dedace, STC, para sa kabatiran ng mga sariayahin na hindi pa rin kilala ang ating website. Ang mga nagtatanong na tingin at titig ng mga taong nagdaraan sa lugar, habang isinasagawa nila ito ay isa nang magandang uri ng patalastas o “advertisement” para dito! Gay-on din, ang kapuna-punang pagpapanibagong anyo at bihis ng Sariaya.net upang maging isang “sariaya super site” ay bunsod ng pagsusumikap na maging mas makabuluhan ito para maihayag ang sariaya sa kamalayan ng sandaigdigan.


Suportahan po natin ang magaganda,  at kapaki-pakinabang na  mga adhikain ng “SARIAYA.net” para sa minimithing kaunlaran, di lamang ng ating bayan kundi maging ng kaisipan, pananaw at  damdamin ng sambayanang sariayahin tungo sa pag-iingat ng ating mga yamang kalikasan, at pagpapayabong ng ating mga sariling tradisyon, kalinangan, sining at  pagkakakilanlan!


Bisitahin po nating palagi di lamang ang ating “online tambayan” sa Internet kundi maging ang ating tanggapang - tambayan sa Muntingbayan!
Mabuhay po tayong lahat!

Comments
Add New Search RSS
salute
reina bautista (222.127.223.xxx) 2008-10-07 02:07:03

dearest,

im glad to discover na may web site po tayo..im now working as
paralegal here in ortigas, and im proud to be Anak ng Banahaw.

...go go
go sariayahin...
Mahalia (69.221.171.xxx) 2008-10-08 06:57:29

yehey, magkapitbahay na tayo!

Mahalia
http://chocolateword.net
Mabuhay Sariayahin
clippers (122.128.153.xxx) 2008-10-30 18:46:14

Go Sariayahin Paganda na ng paganda ang Sariaya.Net Thanks:::Admin:
Jubert

http:www.teletambayan2nd.com

Pagbati
Alex (98.196.117.xxx) 2008-10-29 16:30:14

.. sa inyong lahat na kaugnay sa programang ito. Naway lumawig pa at pumaimbulog
ang inyong adhikain sa larangan ng internet at ng malaman ng buong mundo ang
tungkol sa ating bayan.

Alex
http://dbluffers.com
http://aljoromy. net
Write comment
Name:
Email:
 
Title:
UBBCode:
[b] [i] [u] [url] [quote] [code] [img] 
 
:angry::0:confused::cheer:B):evil::silly::dry::lol::kiss::D:pinch:
:(:shock::X:side::):P:unsure::woohoo::huh::whistle:;):s
:!::?::idea::arrow:
Please input the anti-spam code that you can read in the image.
Sariaya SuperSite SARIAYA.net

3.26 Copyright (C) 2008 Compojoom.com / Copyright (C) 2007 Alain Georgette / Copyright (C) 2006 Frantisek Hliva. All rights reserved."