Home arrow Forum
Sariaya, Quezon Forum
Welcome, Guest
Please Login or Register.    Lost Password?
Rules

Sariaya, QuezonMga kababayan ito na... ang ating sariling "Web portal"! Sa loob halos ng dalawang buwan na sakit ng mata at puyat na inabot ko, malugod kong ipinagmamalaki ang bagong Sariaya.net! Malaking pagbabago ang nakikita n’yo ngayon sa ating website: mas pinaraming inpormasyon, bagong design, mas secure na webpages, at mas masayang pag-browse ng site. Nagsimula sa isang payak na website sa internet ngayon ito’y nagsisilbing daan sa mga kababayan natin na nasa ibang lugar na muling makita at malapit sa Sariaya. Sa pamamagitan ng SEO - Search Engine Optimization, ang ating website ay pangunahin na mga listahan ng mga top search engines sa buong mundo tuwing mayroong magsasaliksik sa salitang “Sariaya” o “Sariaya, Quezon”.

Ang Sariaya.net ay nakatuon sa kaniyang misyon: ang bukas na inpormasyon para sa lahat upang ipakita ang ganda ng ating bayan, ang Sariaya. Kaya patuloy ang aking pagsasaayos nito upang maging kagagamit-gamit sa mga bumibisita. Hindi ko maiisa-isa ang mga bagay ng idinagdag ko sa ating website, dahil lubhang napakarami nito, at gusto ko na kayo mismo ang tumuklas, surf ka lang.

Bilang webmaster mahabang oras ang aking ginugugol upang isaayos ang ating website. Sa aking mga kababayan, magtulungan tayo sa lalo pang pagsasaayos nito. Malaki ang ating magagawa kung tayo ay sama-sama. Kung mayroon kayong mungkahi o nais ibahagi upang lalo pang mapaganda ang ating website, malaya ninyo itong maibabahagi.

Sariaya, Quezon Forumget the latest posts directly to your desktop