|
Mga kababayan ito na... ang ating sariling "Web portal"! Sa loob halos ng dalawang buwan na sakit ng mata at puyat na inabot ko, malugod kong ipinagmamalaki ang bagong Sariaya.net! Malaking pagbabago ang nakikita n’yo ngayon sa ating website: mas pinaraming inpormasyon, bagong design, mas secure na webpages, at mas masayang pag-browse ng site. Nagsimula sa isang payak na website sa internet ngayon ito’y nagsisilbing daan sa mga kababayan natin na nasa ibang lugar na muling makita at malapit sa Sariaya. Sa pamamagitan ng SEO - Search Engine Optimization, ang ating website ay pangunahin na mga listahan ng mga top search engines sa buong mundo tuwing mayroong magsasaliksik sa salitang “Sariaya” o “Sariaya, Quezon”.
Ang Sariaya.net ay nakatuon sa kaniyang misyon: ang bukas na inpormasyon para sa lahat upang ipakita ang ganda ng ating bayan, ang Sariaya. Kaya patuloy ang aking pagsasaayos nito upang maging kagagamit-gamit sa mga bumibisita. Hindi ko maiisa-isa ang mga bagay ng idinagdag ko sa ating website, dahil lubhang napakarami nito, at gusto ko na kayo mismo ang tumuklas, surf ka lang.
Bilang webmaster mahabang oras ang aking ginugugol upang isaayos ang ating website. Sa aking mga kababayan, magtulungan tayo sa lalo pang pagsasaayos nito. Malaki ang ating magagawa kung tayo ay sama-sama. Kung mayroon kayong mungkahi o nais ibahagi upang lalo pang mapaganda ang ating website, malaya ninyo itong maibabahagi.
Nawa’y patuloy kayong bumisita at maging kabahagi ng layunin ito. Maraming pong salamat sa inyong lahat.
Lubos ang aking pasasalamat sa aking mga kapamilya: kay nanay, Julieth Reyes sa patuloy na suporta at pagbabayad ng kuryenye buwan-buwan kahit sobrang laki na nito , kay Shirley na naghahanda ng pagkain ko at katulong ko para iayos ang mga bagay-bagay, kay Dinah na laging galit sa akin. Sa aking girlfriend Jelyn sa pagta-type at sa pag-unawa sa aking trabaho, sa mga kawpa ko guro sa SCBCSI, sa SCBC Praise Team, at sa lahat ng mga Sariayahin sa buong mundo. At higit sa lahat, sa ating makapangyarihang Diyos na siyang nagbibigay ng lakas at talino, Siya na patuloy na humahawak sa ating bayan. Umasa kayo na aking gagawin ang lahat ng aking makakaya upang ang ating website ay maging kapaki-pakinabang sa lahat. Maraning Salamat po.
*A Web portal is a site on the World Wide Web that typically provides personalized capabilities to its visitors, providing a pathway to other content. It is designed to use distributed applications, different numbers and types of middleware and hardware to provide services from a number of different sources.
From Wikipedia.
|