Home arrow Homepage
Agawan Festival '08 PDF Print E-mail
Written by Comite de Festejos   
Tuesday, 06 May 2008

Mahal kong mga Kababayan;

Malugod po kayong inaanyayahan na maging bahagi ng pagdiriwang ng Agawan Festival (Kapistahan ni San Isidro Labrador) sa Mayo 14 at 15, 2008 bilang pasasalamat sa masaganang ani at sa iba pang mga biyayang ipinagkaloob ng Maykapal sa ating Bayan.

Ating ipagdiwang ngayong taong ito ang Agawan Festival nang payak subalit puno ng kasayahan, pagkakaisa at pagbibigayan. Atin muling buhayin ang diwa ng bayanihan sa ating mga puso. At ating muling pag-alabin ang likas na pagmamahal sa ating pinagmulan, sa ating kasaysayan at sa ating pamanang-yaman.

Isa pong karangalan sa inyong lingkod, kasama ang mga bumubuo ng multi-sectoral na Comite de Festejos at ng Sangguniang Bayan, na kayo ay mapaghandugan ng mga programa at Gawain na nag-uugay sa mga kwento ng ating buhay mula sa kabundukan, kapatagan, at karagatan.

Arya! Sariaya!

Boyet V. Masilang
Punong Bayan

Download Agawan Festival '08 Program

Agawan Festival 2008
(Sa Diwa ng Bayanihan sa Kabudukan, Kapatagan at Karagatan)

Mga Takdang Gawain

Mayo 14
Gabi ng Kultura
6:30 n.g. Sariaya Sports Complex

Mayo 15
Awit-Pasasalamat sa Maykapal
Pagpupugay sa Watawat ng Pilipinas
Mensahe ng Punong Bayan
6:30 n.u. Liwasang Bayan

Parada ng Yamang Sariaya
7:00 n.u. Mga Piling Lansangan

Pistahan at Salo-Salo
9:30 n.u. Liwasang Bayan

Pinaka-Contest
10: 00 n.u. Liwasang Bayan

Palaro ng Lahi
1:00 n.h. Liwsang Bayan

Banal na Misa
Prusisyon sa Karangalan ni San Isidro Labrador
3:00 n.h.

Barn Dance
7:00 Sariaya Sports Complex

 

Batayan sa Pagpili ng mga Pinahiyasang Bahay

Pagkamalikhain 35%
Paggamit ng mga Indigeneous Materials 30%
Disenyo 20%
Kaankupan sa Paksa 15%

 

Mga Nakalaang Gantimpala

Unang Gantimpala JVC Colored TV + Php20,000
Ikalawang Gantimpala Refrigerator + Php15,000
Ikatlong Gantimpala Washing Machine + Php10,000
5 Consolation Prizes DVD Player + Php3,000

*Ang paglilibot at pagpili ng lupon ng mga hurado ay sa ganap ay sa ganap na 10:00 n.u. Pinal na ang mga magiging desisyon ng lupon.

*1:30 ng hapon ang pagbibigay ng mga gantimpala

 

Sa karagdagan impormasyon, maari po kayong makipag-ugnayan kina;

Arlene Palabrica: Tanggapan ng Punong Bayan
Rowena Masilang: 09178878366
Susan Caballes: 09153132545
Tek Baligod: 09185751266
Jonny Manigbas: 042 525-8458
Dyun Abanador: 09178617411
Benjie Lozano: 09208044947
Eric Dedace: 09214739894

Comments
Add NewSearchRSS
Only registered users can write comments!
 
< Prev   Next >