|
Mahal kong mga Kababayan;
Malugod po kayong inaanyayahan na maging bahagi ng
pagdiriwang ng Agawan Festival (Kapistahan ni San Isidro Labrador) sa Mayo 14
at 15, 2008 bilang pasasalamat sa masaganang ani at sa iba pang mga biyayang
ipinagkaloob ng Maykapal sa ating Bayan.
Ating ipagdiwang ngayong taong ito ang Agawan Festival nang
payak subalit puno ng kasayahan, pagkakaisa at pagbibigayan. Atin muling buhayin
ang diwa ng bayanihan sa ating mga puso. At ating muling pag-alabin ang likas na
pagmamahal sa ating pinagmulan, sa ating kasaysayan at sa ating pamanang-yaman.
Isa pong karangalan sa inyong lingkod, kasama ang mga
bumubuo ng multi-sectoral na Comite de Festejos at ng Sangguniang Bayan, na
kayo ay mapaghandugan ng mga programa at Gawain na nag-uugay sa mga kwento ng ating buhay mula sa kabundukan, kapatagan, at karagatan.
Arya! Sariaya!
Boyet V. Masilang
Punong Bayan
Download Agawan Festival '08 Program
Agawan Festival 2008
(Sa Diwa ng Bayanihan sa Kabudukan, Kapatagan at Karagatan)
Mga Takdang Gawain
Mayo 14
Gabi ng Kultura
6:30 n.g. Sariaya Sports Complex
Mayo 15
Awit-Pasasalamat sa Maykapal
Pagpupugay sa Watawat ng Pilipinas
Mensahe ng Punong Bayan
6:30 n.u. Liwasang Bayan
Parada ng Yamang Sariaya
7:00 n.u. Mga Piling Lansangan
Pistahan at Salo-Salo
9:30 n.u. Liwasang Bayan
Pinaka-Contest
10: 00 n.u. Liwasang Bayan
Palaro ng Lahi
1:00 n.h. Liwsang Bayan
Banal na Misa
Prusisyon sa Karangalan ni San Isidro Labrador
3:00 n.h.
Barn Dance
7:00 Sariaya Sports Complex
Batayan sa Pagpili ng mga Pinahiyasang Bahay
Pagkamalikhain 35%
Paggamit ng mga Indigeneous Materials 30%
Disenyo 20%
Kaankupan sa Paksa 15%
Mga Nakalaang Gantimpala
Unang Gantimpala JVC
Colored TV + Php20,000
Ikalawang Gantimpala Refrigerator
+ Php15,000
Ikatlong Gantimpala Washing
Machine + Php10,000
5 Consolation Prizes DVD
Player + Php3,000
*Ang paglilibot at pagpili ng lupon ng mga hurado ay sa
ganap ay sa ganap na 10:00 n.u. Pinal na ang mga magiging desisyon ng lupon.
*1:30 ng hapon ang pagbibigay ng mga gantimpala
Sa karagdagan impormasyon, maari po kayong makipag-ugnayan
kina;
Arlene Palabrica: Tanggapan
ng Punong Bayan
Rowena Masilang: 09178878366
Susan Caballes: 09153132545
Tek Baligod: 09185751266
Jonny Manigbas: 042
525-8458
Dyun Abanador: 09178617411
Benjie Lozano: 09208044947
Eric Dedace: 09214739894
|